
Literatura
Your New Book Supplier
TOTOO NGA BA ANG FOREVER?
Habang natutulog si Yeye sa kanyang hotel room ay biglang tumunog na malakas ang emergency alarm dahilan sa may bumanga na eroplano sa kanilang Hotel Building. Nasa kalagitnaan ng diseryto at nagiisa lamang ang Hotel Building na ito. Ngunit hindi pa rin nagising si Yeye dahil sa sobrang puyat kakakain. Hanggang sa may natapon na baso at meron itong tubig sa loob. Nagulat naman bigla si Yeye dahil natapon ito sakanyang kamay at meron siyang naririnig na mga taong nagsisigawan hanggang sa may nagsabi na sakanyang lalaking mataba kung ano ang nangyayari. Nagpasalamat si Yeye at biglang nawala ang matabang lalaki ayun pala ay nahimatay na sa sobrang di’ kinaya ang mga pangyayari. Natawa naman si Yeye ngunit biglang nabuhay ulit itong matabang lalaki buti naman at nakahinga na si Yeye.
Lumabas si Yeye sa hotel building nang tumatakbo dahil kahit anong oras ay sasabog na ang hotel na iyon kaya naman tumakbo ng mabilis si Yeye at naisalba ang sarili. Nakasuot siya ng longsleeve at nakatiklop iyon hanggang sakanyang mga siko at hindi naka butones, naka black itong sando, skinny jeans na itim at nakasuot ng sapatos na palagi niyang sinusuot. Naglakad ng naglakad si Yeye upang may matuluyan na tirahan ngunit isang linggo na siyang naglalakad ay wala pa rin siyang makita.
Kaya huminto na siya at naghintay na lang ng kotse upang mahatid siya sa siyudad upang makahanap ng matitirahan at humingi ng tulong sa kanyang mayamang tatay na may labing dalawang building at isa siya sa mga pinakamayamang taong nilalang sa lugar na iyon. At sa haba – haba ng kanyang hinintay ay may nagtanong na lalaking maputi, malaki ang katawan, at mistiso kung saan siya patungo.
Sabi ni Yeye “sa siyudad” sabi naman ng lalaki “ha?! saan doon” at sinabi ni Yeye na medyo naiirita na “basta may matirahan .. tapos”. Ngunit hindi pa siya pinapapasok ng lalaki kaya tumalon na lang si Yeye sa may tapat niyang nakababa na salamin ng kotse “Hay naku pinapahirapan ang sarili papapasukin naman kita eh” sabi ng lalaki. Hindi na lang pinansin ito ni Yeye at tumuloy na sila malapit na iyon gumabi kaya nagkwentuhan muna sila at biglang may umusok ang makina ng kotse ng lalaki kaya huminto muna sila sa may tabi ng highway.
Nang pagkabukas ng hood ng kotse ni Yeye ay may biglang sumabog na langis sa harapan niya yun pala may mga pusang naglalaro sa loob ng makina kaya ito nagkabutas butas buti naman at hindi sila namatay dahil sa sobrang init ng makina nito. May mga tumalsik na itim na langis sa longseeve ni Yeye kaya hinubad niya na lang ito at ngayon ay nakasando na lang siya. Ginawa na lang ni Yeye na pamunas ang kanyang damit para malinisan ito at kumuha naman ng tubig ang lalaki at binigay kay Yeye imbis na ipanglinis ni Yeye ang tubig sa kanyang mga kamay ay ibinuhos na lang ni Yeye ang tubig sa makinang nagooverheat at bigla naman umayos ang makina ng kotse at nawala ang mga diperensiya nito galling noh!.
Napapansin ni Yeye na hindi siya pinapansin ng lalaki kaya pumunta na lang siya ng kotse at sumunod naman ang lalaki at tumuloy na sila sa kanilang pupuntahan. “Gusto mo ng jacket?” tanong ng lalaki “Hindi ayos lang ako” sabi ni Yeye pero deep inside gusto niya kasi lamig na lamig siya at nakasando lang siya. Habang nangangamot ng pwet si Yeye ay sinasabi niya sa lalaki na dapat nilang makapunta agad sa may gasulinahan kase taeng tae na siya kailangan niyang makapunta ng cr. Bigala naman silang nagstop over sa tabi ng daanan. “Alam kong nangangamot ka at nilalamig ka sus pakipot ka lang eh tsaka diyan ka na lang sa tabi maglabas ng dumi” sabi ng lalaki “Ha?! ****” napamura naman si Yeye sabay tawa.
Pero yun pala joke lang yon ng lalaki haha. Biglang lumapit ang pagmumuka ng lalaki sa muka ni Yeye at sinabi niyang “ Sana ikaw na lang, sana saakin ka na lang” bigla naman umutot si Yeye……..
Zzzzzzzzzt zzzzzzzzzzzt zzzzzzzzzzzzzzt!!!!!!!!!!!!!!!!!
(nagvvibrate yung cellphone ni Yeye sa may bulsa niya)
Bigla naman nagising sa katotohanan si Yeye “Psh panaghinip lang pala sus paasa ….” Bigla naman nagsalita ang bodyguard ni Yeye “Ms. Javier nandito na po tayo sa simbahan” sabi naman ni Yeye “Ahh sige po hanap lang po ako ng upuan ah” oo si Yeye ay si Jurelle Javier o di kaya Jurelle o Javier basta kahit anong tawag niyo sakanya binigay kasi itong tawag sakanya ng kanyang nanay. Si Yeye ay isang mayaman na teenager siya ay estudyante, matalino, at ang mahigit sa lahat may takot sa diyos. Meron silang pagmamayari na mga Buildings at Malls. Habang naglalakad si Yeye papuntang simabahan …. “Omay gosh” gulat na pasabi ni Yeye dahil nakita niya ang lalaking nasa panaghinip niya ng personal … nagpapanic ang puso at utak niya pero di’ niya na lang ito pinansin kasi aasa naman yata siya sa kanyang panaghinip. Pero kahit papaano kinikilig si Yeye at may nakitang siyang upuan wala ditong nakaupo at malapad ito.
Nagiisa siyang nakaupo doon hanggang sa may tumabi sakanyang lalaki at iyon ay yung lalaking nasa panaghinip niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya at di alam ang gagawin. “So ano, tayo na?” sabi ng lalaki at napangiti si Yeye at sinabing “Oo”.
Zzzzzzzzzzzzzzt Zzzzzzzzzzzzzzzzt!!!!!
(Nagvibrate ang cellpone ni Yeye sa may ilalim ng unan niya)
Nagising nanaman si Yeye sa katotohanan iyon pala ay panaghinip lang pala.
“Hoy Jurelle!!! Gising na tanghali na maligo ka na nga ang mabaho mo na” sabi ng kanyang lola.
Wakas!!!!