
Literatura
Your New Book Supplier
LIE TO LOVE
----- ALTHEA's POV -----
Nanaginip ako...
He tried to kiss me here... there... and everywhere just to seduce me. Gustong
gusto ko naman ang mga ginagawa niya sa akin.
Ngunit ng magising...
nawindang ako. "AAAAHHHHHHH!!!!!! OH MY GOD! OH MY GOD! THIS IS
NOT HAPPENING!"
Am I really waking up with this man on my bed?
Palinga-linga ako sa paligid hanggang sa may napansin akong kakaiba. "No!
Wait! This is not even my room!"
"Ano ba!? Nakakabingi yang sigaw mo! Dinaig mo pa yung AMALAYER!" Sabi
ng lalakeng katabi ko sa kama.
Nahintakutan ako sa narinig ko. "Hindeeee!!!" Nagsasalita siya! Kaya hindi
nga ito panaginip. Hu hu hu... (╥﹏╥)
Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang isa niyang kamay. "Tahimik sabi!"
Ng tanggalin niya ang kamay niya ay napasigaw ulit ako kaya gumanti din
siya ng mas malakas na sigaw. "Naman! Nananadya ka ba!? Pag di ka tumigil
papatulan na talaga kita!"
Napilitan akong tumahimik kasi mukhang galit na siya. "Hindi ka ba nagaalala
Tryke? Eto tayo nakahiga sa iisang kama?"
"Tss! Natulog lang naman tayo na magkatabi kaya anong iniiyak-iyak mo
diyan Althea?"
"Pero hinalikan mo ko dito... dito... tapos sa bandang dito... tapos..." Tinuro
ko lahat ng maselang bahagi ng katawan ko.
"Haaayyyy!!! Panaginip lang yon ano ka ba!?" Napipikon niyang sigaw sa
pagmumukha ko.
"Pareho ang panaginip natin? Pwede ba naman yon!?" I insisted.
"Hindi ko alam kung pano nangyari basta ang alam ko panaginip lang yun!
Kasi tingnan mo nga oh may saplot pa rin tayo. Intact pa rin ang mga damit
natin kaya imposibleng may nangyari sa atin." Namamaos na paliwanag ni
Tryke.
Oo nga naman! May point nga naman siya dun. Sa sobrang kalasingan tiyak
na hindi na namin magagawa pang magbihis kung may nangyari nga.
Haaayyy... Na-relieve naman ako sa sinabi niya.
Pero parang totoo talaga eh! O_o
Tinulak niya ako pababa ng kama gamit ang paa niya... in-other words
'sinipa' niya ako hindi nga lang malakas. "Hmph! Bastos talaga!" >_<
"Sige na mag-shower ka na nga amoy alak ka eh." Utos niya sa akin.
"Oo na! Sandali!" Sinimangutan ko talaga siya. >_<
-----TRYKE's POV-----
Nang makaalis na ang babaeng unggoy sa kama ko ay kinabahan talaga ako
kasi may nakita akong konting dugo sa bed sheet pero hindi ko yun
pinahalata sa kanya kasi baka mag-panic na naman ang Amalayer na yun.
Siguro sa ilong ko nanggaling itong dugo. Sa likot naman kasi ng babaeng yun
kung matulog ay baka nasipa niya ako sa mukha, kaya ayun di ko
namalayang nag-nosebleed na ako.
Panay ang isip ko ng mga posibleng scenario para lang kumbinsihin ang sarili
ko na wala talagang nangyari sa amin ni Althea.
Nagulat ako ng sumigaw na naman siya at tinatawag ang pangalan ko...
"OH NOOOOO!!!! TRYKE! Huhuhu..."
(facepalm) "Ano na naman Althea? Napano ka diyan sa loob ng banyo?" Di
ako nakatiis at lumapit na ako sa may pinto.
Bumukas ang pinto ng C.R. Pero kamay lang ni Althea ang lumabas at may
hawak itong isang bagay na pamilyar sa akin. Pano naman hindi magiging
pamilyar sa akin yung bagay na hawak niya eh brief ko yung winawagayway
niya eh.
Para siyang bata na nagwawala sa loob ng banyo. "Hindi naman sa akin eto
eh!!! Huhuhuhu..." T___T
Bakit nasa kanya yan? O__O
Agad kong sinilip ang panloob ko at...
CONFIRMED! Nagkapalit nga kami kaya di ko din napigilang mapasigaw din
ng... "HINDEEEEEE!!!!"
**********
Pareho kaming napasalampak sa sahig ni Althea at sumanday sa
magkabilang dulo ng kama. Tulala kami matapos ang di inaasahang
pangyayari.
"Now tell me... wala pa rin bang nangyari sa atin?" Nababahalang tanong
niya sa akin.
Hindi ko siya sinagot dahil sa kawalan ng masasabi.
Nangingisay na naman na parang bata si Althea. "Ewwww!!! As in Super
Ewwww talaga!"
"Pa-ew-ew ka pa diyan! Nandidiri ka pa na nagkapalit tayo ng underwear eh
may nangyari na nga sa atin!" Naiinis kong bulyaw sa kaniya.
"Bakit hindi ko man lang naramdaman na may nangyari?" Tanong niya sa
akin.
"Bangag ka ba? Lasing na lasing nga tayo kagabi di bah? Kaya pano mo
maaalala?" Naiinis kong saad sa kaniya.
"Bakit wala akong maramdamang kahit anong sakit? Sabi nila masakit daw
kapag first time eh."
"Malay ko, baka nasarapan ka talaga!"
Tinapunan niya ako ng unan sa mukha. "Gago!"
"Joke lang! Di ka naman mabiro. Nagtataka din naman ako kasi parang wala
naman akong naramdaman. Siguro dahil sa alak na nainom natin. Ang alam
ko ay pwedeng gawing pain reliever ang alak."
Pinamewangan niya ako at nagtanong. "Saan mo naman nabasa yan Mr
Genius?"
"Ewan ko... di ko na maalala. Basta ganun yung theory ko." Napakamot pa
ako sa baba habang nag-iisip ng mabuti.
"Pano na tayo ngayon Tryke???" Di na naman maipinta ang mukha niya dahil
sa pagkabahala.
"Tumigil ka nga sa kakangawa! Hindi mababago ang lahat ng pag-iyak mo!"
Saway ko sa kaniya. Kainis hindi ako makapag-isip sa sobrang ingay niya!
Amalayer talaga! -_-
-----ALTHEA's POV-----
Tracing back sa kung pano kami nagkasama sa iisang kuwarto ni Tryke.
Three days ago I was diagnosed with a brain cancer at according pa sa doktor ay
isang buwan na lang ang taning ng buhay ko.
"Doc grabe naman yan! 1 month agad? Bakit yung sa mga telenobela 3 months or 6
months or 3 years tapos ako 1 month lang mamamatay na!?" Reklamo ko dun sa
doktor ko na nirekomenda sa akin ni Nikki.
"Ikaw na rin mismo ang sumagot sa tanong mo Althea, sa telenobela lang yun
nangyayari. You came in late kaya wala na akong magagawa. Spend the rest of your
1 month like it's your last." Bilin nito sa akin.
********
Ganun na lang yun? 18 years old pa lang ako tapos masusulat na agad ang
pangalan ko sa obituaryo? I can't believe it!
Ayokong umiyak ng nag-iisa kaya dinamay ko ang kaibigan kong si Nikki. Siya
lamang ang tanging nakakaalam na may taning na ang buhay ko. Magdamag
naming pinlano kung ano ang mga gagawin ko sa huling mga araw ko. Kasama sa
dying wish list ko ay makasama ang mga magulang ko at mga kaibigan ko, kainin
ang mga pagkaing gusto kong kaininin at puntahan ang mga lugar na gusto kong
puntahan.
Nawindang ako ng mayroon siyang binulong sa akin para idagdag sa listahan ko.
"No! No way I'm not gonna do that Nikki!" Mariin kong tanggi sa suhestiyon ng
kaibigan ko.
"Come on Althea do you really wanna die a virgin!?"
"Eh kanino ko naman ibibigay ang sarili ko eh wala nga akong nobyo!"
Nikki rolled her eyballs. "Duh! who says it has to be your boyfriend?"
"Nikki... Hindi ako ganun ka desperada okay? I wanna do it with someone I love at
kung hindi rin lang, eh di mamatay nang virgin!"
"Eh sino ba yung mahal mo na gusto mong ikama?"
"Ikama talaga ang term!? Hmmm... so far wala pa naman!"
"Duh! Kahit sa crush di pwede?"
"Crush?" Natigilan ako bigla ng banggitin ang salitang yun.
"Uyyy... nag-iisip... parang gusto niya..." Panunukso niya sa akin.
"Tumigil ka nga Nikki!" Saway ko sa kaibigan ko.
Patuloy pa rin sa panunukso sa akin ang bestfriend ko.
"Kahit gustuhin ko man ay sigurado akong hindi naman papayag yung taong yun
noh. High-school pa lang tayo kaya who would do such a thing?"
Tinaasan ako ng kilay ng kaibigan ko. "Except when your dying..."
"Ah basta! Sigurado akong di papayag yun!"
"Ay nakuu... may iniisip talaga siyang tao... uyyy... si engineer Tryke Gonzales noh?"
Pang-iintriga sa akin ni Nikki.
"Engineer talaga ang tawag mo sa kanya noh?"
"Siyempre, I heared matalino daw sa math yun at napabilang pa sa first section!
Hmph! If I know kakaiba ka tumitig pag napapadaan yun."
"But he doesn't know me... he doesn't know my heart." Nalungkot ako bigla sa
isiping yun.
"Halllerrr!!! Ikaw kaya ang governor ng campus kaya imposibleng hindi ka niya
kilala."
"Oo nga but not personally."
"So kung lapitan ka niya isang araw... baka pwede?"
"Maybe." I just smiled at her.
All-out-party ang mga representative ng Blue East High-School sa Boracay matapos
ang lahat ng mga event namin sa Palakasan.
This is our last night to enjoy Boracay.
Habang nagsasaya ang lahat ay eto ako nasa isang tabi at nagpapakalunod sa alak.
I'm dying... kaya kahit puntahan ko pa ang mga lugar na gusto kong puntahan ay
hindi pa rin ako magiging masaya.
I'd rather drink hard and cry hard... Baka sakaling makalimutan ko pa ang sakit ko.
-----TRYKE's POV------
"Pare, there's your random girl!" Sabi ni Dave sa akin habang itinuturo ang
governor ng school namin na si Althea de Guzman.
"Yan?"
"Oo yan! Di bah naghahanap ka ng ipapalit kay Kiersley, eh di yan!"
"Bakit naman yan?" Napangiwi ako sa babaeng tinuro niya. Hindi naman sa hindi
ko tipo si Althea, may iba lang talagang gusto ang puso ko sa mga oras na iyon.
"Pare, look at her she's drinking to death kasi iniwan siya ng boyfriend niya na
sobrang mahal niya."
"Eh ano ngayon?" -_-
"Then she's the one your looking for! Di bah ayaw mo sa babaeng mahal ka, kasi
baka masaktan mo lang sila kapag nalaman nilang mahal na mahal mo si Kiersley.
Kaya yan pare, yan na ang gawin mong prospect kasi pareho lang kayong may
ibang gusto at parehong malinis ang konsensiya niyo. No body needs to be hurt, as
simple as that! Just love for fun pare! Malay mo later on ay mahulog pa kayo sa
isa't-isa at tuluyang makapag-move on sa mga taong ayaw sa inyo." Mahabang
paliwanag ni Dave.
"You really think so Dave?"
"Oo pare! Try it!"
------ALTHEA's POV------
May biglang kumuha sa basong hawak-hawak ko at ininom ang laman.
"Hey!" Natameme ako ng makitang si Tryke pala ang kumuha at uminom sa baso
ko.
"Marami ka nang nainom missy that's enough!" Awat sa akin ni Tryke.
Aba! Hindi porke't crush ko siya ay pwede na niya akong pasunurin! "Who the hell
are you para utusan ako ha? Bakit boyfriend ba kita?" Sumapi na yata sa akin ang
espiritu ng alak kaya hindi ko na napigilang mag-taray sa kaharap.
"Missy... remember this face dahil sa susunod na mga araw ay magiging boyfriend
mo na to! At dahil magiging boyfriend mo na ako in the near future ay may
karapatan akong pigilan kang uminom. Dahil para sa kaalaman mo... ang pinakaayaw
ko sa lahat ay ang babaeng lasengga!"
WHAAAATT!??? "Tsk! Ikaw? Magiging boyfriend ko? Hahahaha!!! Yun ay kung hindi
ako mamatay after 1 month! Kapag nabuhay ako, hindi lang kita gagawing nobyo
alam mo ba yun? Gagawin pa kitang asawa ko!"
"Hindi matatapos ang tatlong araw Althea, bibigkasin mo rin ang mga katagang I
love you sa akin."
Grabbbeee!!! Kahit lasing ako sumisiksik pa rin sa utak ko ang pagiging mahangin
niya.
"Wow! Ang laki naman ng pagka-bilib mo sa iyong sarili... Hahaha. Malabong
mangyari yan kasi ako... after 1 month ay-"
-----TRYKE's POV------
------TRYKE's POV------
Sipa at tadyak lang naman ang inabot ko sa ama ko matapos makarating sa
kanya ang scandal ko sa Boracay. "Bakit mo ginawa yon!?"
"Pa I love her!" Yun lang ang naisip kong sabihin dahil hindi ko na maalala
ang mga prinaktis kong linya bago ako makarating sa bahay.
"High-school pa lang kayo anak kaya ano bang alam nyo sa love? Hindi love
yan, lust!" Galit na galit na pangaral sa akin ni daddy.
"Dad, mom mahal na mahal ko lang talaga siya kaya namin nagawa ang
bagay na yon."
Napamura ang daddy ko sa aking naging sagot.
Samantala...
------ALTHEA's POV------
Hinarap ko ang galit ng aking ama at sampal agad ang inabot ko mula
dito. "Sabi ko magtapos ka muna ng pag-aaral bago ka mag-boyfriend ang
tigas ng ulo mo!"
Sa sobrang takot ko ay naghugas kamay ako. "Daddy... hindi ko po siya
nobyo. Ang tanging kasalanan ko lang po ng gabing iyon ay yung naglasing
ako."
"Bakit ka naman naglasing anak?" Tanong ng mama ko.
Pero hindi ko magawang sabihin sa kanya na ang dahilan ay dahil may taning
na ang buhay ko, kasi baka mas mauna pang mamatay ang mama ko kesa sa
akin kaya pinili kong wag na lang kumibo.
"Sa madaling sabi anak ay ni-rape ka ng gagong iyon?" Tanong ni mommy.
Hindi pa man ako nakasagot ay umabot na sa konklusyon ang aking ama
kaya sinugod nito at ng apat ko pang mga barakong kuya si Tryke sa kanilang
bahay.
Sinubukan ko silang pigilan pero ayaw talaga nilang paawat. Inabutan nila si
Tryke na nag-iisa sa bahay nito kaya pinaulanan agad nila ito ng suntok at
sipa.
Bago pa man mapatay ng pamilya ko si Tryke ay pumagitna na ako at
sumigaw "Tama na! Tama na!"
Ayaw pa ring tumigil ng mga ito kaya gumawa na lang ako ng panibagong
istorya. "Buntis ako!"
Pagkasabi ko sa katagang iyon ay na-estatwa lahat ng tao sa paligid
ko. Drama queen na kung drama queen! Basta nagawa kong lumapit sa
bugbog saradong si Tryke at pinagpatuloy ang pag-dradrama. "Daddy at mga
kuya tumigil na kayo... parang awa nyo na... ayokong lumaki ang baby ko na
walang ama. At lalong ayoko na ang makakapatay pa sa ama ng anak ko ay
ang lolo niya at mga tito."
Kahit si Tryke ay nagulat din sa kaniyang narinig.
"Ikaw lalake! Mahal mo ba talaga ang anak ko!?" Tanong ni papa kay Tryke.
"O-opo!"
"Handa mo ba siyang pakasalan?"
Sa sobrang takot ni Tryke ay oo lang siya ng oo sa lahat ng tanong ng ama ko.
"Kung ganun asan ang mga magulang mo?"
"Oo po Oo! Este! Ang ibig ko pong sabihin ay Oo tatawagan ko na po para
pauwiin dito." Natataranta niyang sagot.
Hindi naman nagtagal ay umuwi na nga ang mga magulang ni Tryke. Habang
nag-uusap ang mga magulang naming dalawa ay nasa kwarto lang kami at
doon namin pinagpatuloy ang gamutan.
Ginamot ko ang mga putok sa labi at kilay ni Tryke. Pero napansin niya na
namamaga din ang labi at pisngi ko kaya kumuha din siya ng ice at binalot
niya sa panyo para ilagay sa aking pisngi.
"Huwag mo na akong gamutin, kasalanan ko kung bakit ka nabugbog"
nahihiya kong saad.
"Pareho lang tayong nabugbog, dumoble nga lang ang sa akin" may himig ng
paninisi si Tryke.
"Sorry talaga Tryke..." Nagi-guilty kong saad.
"Bakit mo naman kasi sinabi sa kanila na ni-rape kita?"
"Wala akong ibang maisip na alibi eh!" :/
"Ibang klase din tong babaeng to! Ang ganda ganda ng dinahilan ko sa
parents ko na mahal kita tapos ikaw sinabi mo sa parents mo na ni-rape kita?
Asan ba ang hustisya dun? Ikaw kaya ang pagbintangan kong rapist diyan!"
Nanggagalaiti niyang saad sa akin.
"Ang tanong eh may maniniwala bah? Kahit saang korte pa tayo umabot
walang maniniwala sayo na ni-rape kita. Kasi wala pa naman akong nakikita
sa tv na babaeng nakulong sa salang pang-rerape noh, lalake kamo marami."
"Baka ikaw pa Althea ang una!"
"Ah ganon!" Kaya diniinan ko ang paglalagay ng cold compress para
masaktan si Tryke. Impit siyang dumaing pero tinawanan ko lang siya.
"Hihihihi... Buti nga sayo!"
Sandaling katahimikan ang namayani sa amin.
"Tryke pano kung ipakasal nga nila tayo?" Out-of-the-blue kong tanong.
"Okay lang!" Nagkibit-balikat pa siya.
"Okay lang sayo?" Di ko talaga inasahan ang naging sagot niya.
"Kapag kasal na tayo may license na akong gawin ang mga bagay na gusto
kong gawin sayo kaya sige lang... saktan mo lang ako ngayon ng saktan at
hampasin mo lang ako ng hampasin dahil kapag kasal na tayo ay makikita
mo..." Pananakot ni Tryke sa akin.
"Ano namang pwede mong gawin aber?" Hamon ko sa kaniya.
"I have the license to kiss, to hug and to- ehem!" Di na niya sinabi yung
panghuli pero halata naman kung ano yung gusto niyang tukuyin. Sira talaga,
gusto pa akong ipa fill in the blanks. -_-
Napalunok ako ng laway sa mga pahiwatig niya.
Haaayyy... Kung alam lang niya na gustong-gusto ko naman talaga siyang
maging kabiyak, pero nag-aalangan ako sa tuwing maaalala ko ang tungkol
sa sakit ko.
"Ayoko! Ayokong makasal sayo! Hindi kita mahal Tryke!"
------TRYKE's POV------
"Sorry missy... kasi sa ayaw mo at sa gusto ay magiging misis na kita" pangaasar
ko sa kaniya. Choosy pa tong babaeng to eh kung tutuusin ako pa nga
ang lugi sa kasal namin kasi hindi naman siya hot katulad ng ibang babaeng
kilala ko.
Relax na relax lang ako at parag walang inaalala. Walang kaso naman kasi sa
akin kung makakasal ako kay Althea kasi wala naman akong pag-asa sa
babaeng gusto ko na si Kiersley. Para sa akin ay patapon na ang buhay ko at
kahit sino na lang basta naka-saya pupwede nang patulan. Hehe.
------TRYKE's POV------
Mabilis naihanda ng pamilya ko ang kasal namin ni Althea. May kaya naman pareho
ang mga pamilya namin kaya di problema ang maagang pagpapakasal.
Pero sa araw mismo ng kasal ay nawawala ang bride!
Tumawag ang bading na designer sa akin at nagsumbong. "Tryke, nagsabog ng
kagagahan ang pakakasalan mo at ayun nag run-away bride! Pano na yan?"
"What!? Wala siya diyan? Ano!? Umalis!? Okey Freddy, come over here and bring
with you the gown at lahat ng accessories okay?"
"Bakit Tryke, ako na lang ang papakasalan mo?"
"Freddy!!!"
"Joke lang pogi!... di ka naman mabiro... okay loud and clear!"
Samantala...
------ALTHEA's POV------
This is my last day according to my doctor, hindi ko pwedeng sabihin sa kanila yon
at lalong hindi ko pwedeng pakasalan si Tryke kung mamamatay lang din ako
pagkalipas ng ilang oras.
Biglang tumunog ang phone ko ngunit un-registered number ang tumatak sa
screen at ng sagutin ko ay si Tryke pala.
"Asan ka ngayon soon to be Mrs. Althea Gonzales!?" Halos mabingi ako sa lakas ng
sigaw niya sa kabilang linya.
Haaayyy... Mrs. Althea Gonzales... napakasarap pakinggan pero mahirap
maisakatuparan... :((
I-hahang-up ko na sana ng tila nakapansin ang nasa kabilang linya at pinigilan
ako. "DON'T YOU DARE HANG-UP ON ME! Asan ka ngayon I'll fetch you?
"Nasa train station ako malapit sa amin... aalis ako at magpapakalayo... hayaan mo
na lang akong umalis please..." Pakiusap ko sa kaniya.
"Bakit ka aalis, ayaw mo ba talaga sa akin?" May himig ng tampo sa boses niya.
Bago pa siya mag-isip ng kung anu-ano ay umamin na ako sa kaniya. "I'm dying
Tryke..."
Pero hindi nakuha ni Tryke ang ibig kong ipahiwatig.
"I know you still love your ex but Althea, I'm here dying to be with you... I love you
Althea... Please be my wife."
"Pakiulit?"
"Will you marry me missy?"
Ayun na naman ang terms of endearment niyang missy pero hindi talaga pwede.
"I'm sorry..." Agad kong ibinaba ang phone.
------TRYKE's POV------
Urgh! Bwisit na babae yon, sinusuyo na nga nagmamatigas pa. Hindi niya pwedeng
gawin sa akin ito! hindi niya ako pwedeng iwan sa harap ng altar. Magiging isang
malaking kahihiyan para sa akin na takbuhan ng sariling bride.
Nakuyom ko ang palad ko sa sobrang galit.
To save my ass there's only one thing I could do, pull another act... make another
story.
Dahil sa nag-uumapaw na pride ay kinumbinsi ko ang mga tao sa simbahan na
maghintay ng dalawa pang oras.
"Everyone... I really love this girl and I really wanted to marry her. She might just be
confused for a while or having a cold feet kaya bigyan nyo pa po sana ako kahit
dalawang oras lang para makarating siya dito." Anunsiyo ko sa lahat ng nasa
simbahan.
"Go on son! Sinusuportahan ka naming lahat!" Sabi naman sa akin ng daddy.
Kaya naman tumakbo na agad ako, pero bago pa man ako makalabas ng simbahan
ay lumapit muna ako sa pinsan kong pulis na dumalo sa kasal nang naka-uniporme
pa. "Insan, pwede bang makisakay sa patrol car mo?"
"Insan, patay tayo diyan... baka sumabit ako."
"Sige na insan please... pahiram na rin ng handcuff mo."
Kalaunan ay napilit ko rin siya.
Pagdating sa train station ay nagpaikot-ikot ako sa buong lugar. Takbo dito takbo
dun... lakad dito lakad dun... tingin dito tingin dun... hanggang sa makita ko ang
isang pamilyar na bulto. Bagama't nakatalikod siya sa akin ay alam na alam ko pati
dulo ng buhok niya at nang lapitan ko ay mas lalo akong nakumbinsi na siya yun
dahil na rin sa pabango niya.
Buti na lang at nahatak ko siya pabalik bago pa man siya makapasok sa loob ng
tren.
"Tryke!?" Napamaang siya ng makita niya ako sa harapan niya.
"I told you to wait for me!" Mabilis kong hinand-cuff ang mga kamay namin.
"What are you doing?" she asked.
"You are under arrest sa salang pagnanakaw!"
"Bakit?" Naguguluhan niyang tanong.
"Ninakaw mo ang puso ko! Boom!" Ako mismo ay na-kornihan sa sinabi ko. Ano ba
tong pinag-gagawa ko? Ganito na ba talaga ako ka bored sa buhay? O_o
"Ayoko ngang sumama sayo!" Kinapa-kapa ni Althea ang bulsa ko at hinanap ang
susi sa handcuff.
Panay naman ang iwas ko sa kaniya. "Hoooooyyy!!! Baka kung anong makapa mo
diyan!"
Pero ayaw pa rin papigil ni Althea hanggang sa magtagumpay siyang makuha ang
susi. Pilit ko yung binabawi sa kanya hanggang sa tumilapon ang susi patungo sa
riles at naglaho.
"Ikaw kasi eh!" Maiiyak-iyak na sisi ni Althea sa akin.
"Let's go Althea, kung gusto mong makawala dito pumunta na tayo sa pinsan ko,
baka may duplicate iyon."
Nagsimula na kaming maglakad ng biglang napasigaw ng 'aray' si Althea kaya
napahinto kami.
"Ano na naman Althea?"
"Tryke masakit ang kamay ko..." reklamo niya sa akin.
Nang tingnan ko ay namumula nga ang mala porcelanang kutis nito sa kamay dahil
sa kakahatak ko kaya humingi ako ng paumanhin. "Sorry."
Pagkatapos ay hinawakan ko ang kamay ni Althea at sabay kaming naglakad upang
hindi siya masaktan.
------ALTHEA's POV------
Nakakatuwa naman ang taong ito... minsan masungit pero madalas ay sweet at
may sense of humor. Kung mamatay man ako ngayong araw na ito... hindi na
masamang minsan ay naging asawa ko siya ng ilang oras. ^__^
Kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.
Pagdating sa patrol car...
"Insan, ihahatid ko na lang muna kayo sa simbahan tapos kukunin ko lang yung
duplicate sa presinto." Sabi ng pinsan ni Tryke.
"Salamat insan!"
Pagdating na pagdating namin sa simbahan...
------ALTHEA's POV-------
Ikinagulat ko ang pagsulpot ng isang babaeng kilalang-kilala ko sa kasal
namin ni Tryke. Si Kiersley, ang senior namin six years ago.
Hanggang sa labas ng reception ay nakaabang pa rin si Kiersley at namamaga
ang mata. "Tryke, bago kayo magpunta sa honeymoon nyo pwede ba kitang
makausap muna, yung tayong dalawa lang?"
Hindi nakasagot si Tryke. Napansin naman ni Kiersley ang handcuff kaya
tumalikod na lamang siya pero tinawag siyang muli ni Tryke. "Kirs' sandali...
Okay lang naman kahit nandito si Althea. Hindi naman niya ako mahal kaya
wala siyang pakealam sa sasabihin mo."
O_O Ano? Ganun? Nabigla naman ako sa sinabi niya na wala akong pakealam
sa kanila. Halleeeerrr!!!! Mag-asawa na kami kaya pano mangyayaring hindi
ako makikialam? Loko! >_<
"Talk as if wala siya dito" sabi pa nito kay Kiersley.
Tumango-tango naman ito at muling humarap sa asawa ko. "Tryke, hindi
totoong hindi kita mahal... I know it's quite too late pero alam mo... habang
buhay kong pagsisisihan na hindi ko nasabi sayo ang totoong nararamdaman
ko noon. I love you Tryke... I love you goodbye!" Pagkatapos magpaalam ay
tumakbo na ito palayo.
Hahabulin pa sana ni Tryke si Kiersley pero hindi siya makaalis dahil nakahandcuff
kaming dalawa kaya napamura na lang siya. "DAMN! DAMN!"
Pinagsisipa ni Tryke ang bawat bagay na madaanan ng paa niya.
Walang akong ibang nagawa kundi tahimik na pagmasdan ito habang
nagwawala.
Sa aming honeymoon...
Tulala lang si Tryke habang nakatitig sa pader kaya naglakas-loob na akong
kausapin ito. "Akala ko ba mahal mo ko, bakit parang affected ka masyado sa
babaeng yon?"
"Pwede ba! Sinabi ko lang na mahal kita para hindi ako mapatay ng mga
magulang natin noh." Aburido niyang sagot sa akin.
Sarkastiko akong tumawa. "Yan ang napapala ng mga sinungaling..."
"Pareho lang tayong sinungaling Althea kaya pareho lang tayong
mamalasin." Sabi niya habang nakatitig ng husto sa akin.
Minalas na nga ako ngayon Tryke. Ang malas-malas ko para pumayag
magpakasal sa isang taong akala ko ay mahal ako. Pero di bale... this is the
third day... bukas pag-gising ko hindi ko na masisilayan ang gwapo mong
mukha. :((
Bigla itong nagkwento tungkol sa damdamin niya para kay Kiersley kahit
hindi ko naman tinatanong. "You don't know how it feels Althea. First year pa
lang ako ng ligawan ko ang fourth year na si Kiersley. Akala ko it was just a
one sided love pero hindi pala. May nararamdaman din pala siya sa akin pero
natatakot lang siyang ipakita kasi mas matanda siya sa akin ng apat na taon.
Akala niya ay hindi ako seryoso sa kanya... kung alam lang niya. Damn I love
her so much!"
Aray... ang sakit marinig ang mga katagang iyon. Hindi ko siya masisisi,
inakala niyang hindi ko siya mahal kaya kung makapag-kwento siya tungkol
sa kanila ni Kiersley ay walang preno.
"Pano na yan ngayon... naka-tali ka na sa akin?" Di ko napigilang itanong sa
kaniya.
Tumulo ang luha sa mga mata ni Tryke kaya parang piniga ang puso ko.
"Tryke..."
"Don't try to comfort me Althea, okay lang ako." Humarap siya sa kabilang
side ng kama para makaiwas na kausapin ako.
"Tryke... hindi naman ganun eh... ang gusto kong sabihin ay.... naiihi ako...
baka pwedeng mamaya ka na mag-emote diyan at pumunta muna tayo sa
CR?" Hiling ko sa kaniya.
Saka lang naalala ni Tryke na hindi pa natatanggal ang handcuff namin.
"Panira ka ng moment!" Reklamo niya sa akin sabay pahid sa mga luhang di
niya napigil sa pagtulo kanina. Walang ibang nagawa si Tryke kundi sumama
sa akin sa banyo.
"Wag kang maninilip!" Babala ko sa kaniya.
"Pambihira! Ngayon pa ba kita sisilipan?" Napakamot-kamot pa siya sa ulo
habang sinasabi yun.
Lihim akong natawa sa cute gesture at reaction niya.
Pagkabalik namin sa higaan ay ipipikit na sana ni Tryke ang mga mata niya ng
kalabitin ko na naman siya.
"Ano!? Wag mong sabihing naiihi ka na naman?" Naiinis niyang tanong sa
akin.
Tumango-tango ako. "Sorry, ganito talaga ako kapag nakainom ng
softdrinks."
(facepalm) "Pambihira ka Althea!" Kahit panay ang reklamo ay sinamahan pa
rin naman ako ni Tryke sa banyo kasi no choice din naman siya eh.
Ngunit pagbalik namin sa kama galing sa banyo ay tila siya na naman ang
nakakaramdam ng tawag ng kalikasan. "Balik tayo sa banyo."
"Bakit naman Tryke?"
"Naiihi ako! Bakit ikaw lang ba ang may karapatang umihi?" sarkastiko
niyang tanong.
"Hindi pwede!" Naiimagine ko na kung pano ito iihi at may posibilidad na
madantay ang kamay ko sa- "No! Ayoko!" >_<
"Baliw ka ba? Ilang beses mo kong ginising upang mag-banyo ka tapos ako
ayaw mong pagbigyan?" Nagulat niyang tanong sa akin.
"Tryke... huhuhu... ipagpabukas mo na lang yan!" Pinadyak-padyak ko pa ang
paa ko para malaman niya ang pagtutol ko.
Naghatakan kami patungong banyo pero dahil mas malakas si Tryke ay wala
akong nagawa kundi sumunod. Nagbiro pa si Tryke nung nasa banyo na
kami. "Sa akin pwede ka lang sumilip."
"Baliw!" Tinakpan ko ng dalawang kamay ko ang mga mata ko.
"Baliw ka rin! How can i unzip my pants kung isang kamay lang ang gamit?"
Kaya binaba ko na lang ang isa kong kamay habang ang isa ay nanatiling
nakatakip pa rin sa aking mata. Naririnig ko ang malulutong niyang pagtawa
pero hindi pa rin ako nagtangkang tumingin.
"Maghugas ka ng kamay!" Utos ko sa kaniya.
"Oo, alam ko! Ang arte! tsk2x!"
------TRYKE's POV------
Ilang sandali pa ay nakatulog na si Althea pero ako ay gising na gising pa rin
ang diwa. Hindi ako makatulog matapos kong marinig ang mga sinabi ni
Kiersley kanina. It could have been me and Kiersley at hindi itong babaeng ito
na nakahiga sa aking tabi.
Nang tingnan ko si Althea ay humihilik pa ng sobrang ingay pero maganda pa
rin kaya tinakpan ko ito ng unan sa mukha. Pero binawi ko rin agad at kinuha
ang unan at pinilit matulog sa kabila ng lahat.
Kinabukasan...
Dumating ang pinsan ko dala ang susi.
"Mukhang hindi talaga kayo nakatulog ng maayos ah!" komento nito
matapos sigurong makita ang namamagang eyebags namin ni Althea.
Nagtinginan kami ng asawa ko at parang gustong matawa kasi kung alam
lang ng pinsan ko ang totoo.
------ALTHEA's POV------
Matapos matanggal ang handcuff namin ay nagsimula nang magbago ang mga
buhay namin ni Tryke.
Balik sa buhay estudyante at parang wala lang nangyari. Parang hindi lang kami
ikinasal. Nakatira kami sa iisang bubong hiwalay sa mga magulang namin pero
hindi pa rin namin matawag-tawag na tahanan kundi isang boarding house lang.
Siyanga pala, hindi ako namatay after 3 days. Nabigla talaga ako nung magising pa
ako kinabukasan kaya humingi ako ng second opinion sa ibang doktor at napagalaman
ko nga na wala naman pala akong brain cancer. Siguradong pati ang
tungkol sa sakit ko ay pakana nina Nikki at Dave. Peke siguro yung doktor na
pinakilala nila sa akin habang si Tryke naman ay pinaniwala nilang wala nang pagasa
kay Kiersley. Ang sama talaga nila! They want us to be miserable. >_<
"Tawang-tawa siguro sila habang pinapanood tayong ikinakasal kahit hindi natin
mahal ang isa't-isa." Naiiyak kong saad kay Tryke matapos kong ikwento sa kaniya
ang nalaman ko na wala naman talagang taning ang buhay ko.
"Kung ganun hindi tayo dapat magpadaig sa kanila!" Malakas ang loob na saad ni
Tryke.
"Anong balak mo?"
Binulong nga niya sa akin ang mga plano niya.
"Will it work?" Nag-aalangan kong tanong sa kaniya.
"Ano ka ba Althea, nagawa na nating magsinungaling kaya nakasal tayo... kaya
sisiw na lang ang gagawin natin ngayon."
Nang palapit na si Nikki...
"Hi Nikki... salamat nga pala sa inyo ni Dave ha. Kung hindi dahil sa inyo ay hindi
ako makakasal kay Engr. Gonzales. Hi hi hi... Alam mo, napatawad na kita sa mga
ginawa mo, tutal si Kiersley naman talaga ang gusto mong saktan at nadamay lang
naman ako di bah? Can we still be friends?" Sabay abot ng kamay ko sa kaniya para
makipag-kamay.
"Ah? Pero hindi ka naman mahal ni Tryke, si Kiersley ang mahal niya." Kumunot
bigla ang noo niya dahil sa mga sinabi ko. Senyales na di niya nagugustuhan ang
tinakbo ng mga pangyayari.
"Oh come on! Wala ka bang tiwala sa charms ko? In just three days ay napaibig ko
siya." ^______^ Pagmamalaki ko sa kaniya.
"That's impossible! mahal na mahal niya si Kirs-" Naputol ang sasabihin ni Nikki ng
bigla niyang nakita si Tryke na palapit sa amin.
"Misssyyy..." Tawag ni Tryke sabay halik sa labi ko. Wala man sa plano yun ay di ko
pwedeng ipahalata kay Nikki na nagulat din ako sa ginawa ni Tryke kaya
nagpanggap ako na cool lang.
"Oh Tryke honey you're here!" Gumanti din ako ng yakap at halik sa asawa ko para
mas convincing siyempre ang pagpapanggap namin.
"Uwi na tayo?" aya sa akin ng naglalambing kong asawa.
"Hindi ka na talaga makapaghintay ng gabi ha." Panunukso ko sa kaniya sa harap
mismo ni Nikki.
"Hindi na..." Bulong sa akin ni Tryke pero yun ang tipo ng bulong na sinadyang
iparinig sa ibang tao.
Tila nakikiliti naman ako kunwari.
"Bye Nikki!" Sabay kaming nagpaalam at kumaway-kaway sa kaibigan ko. Iniwan
namin siyang di maipinta ang itsura at halatang gulat na gulat.
"Ahmmm... Nikki! Send my regards to my old friend Dave." ^___~ Habol pa na
mensahe ni Tryke.
Nakuyom ni Nikki ang kanyang palad sa sobrang pagka-inis.
Nag-apiran namin kami ni Tryke pagkatapos ng ginawa naming eksena. "Ang sarap
talagang maka-isa sa kalaban Tryke noh?"
"Sinabi mo pa Althea at nakita mo ba yung mukha niya? Namumula sa galit!
HAHAHAHA!!!"
"This is crazy Tryke!"
"Hahaha.. Oo nga! At siguradong mababaliw talaga yung si Dave kapag naikwento
na ni Nikki sa kaniya ang tungkol sa akin."
"Naalala ko tuloy yung lyrics ng isang kanta, What doesn't kill you makes you
STRONGER!"
Kinabukasan, bago muling pumasok sa eskwela...
"Thea, sa tuwing lalabas ka ng bahay na ito always remember that we are inlove...
we must stay inlove sa harapan ng ibang tao." Paalala sa akin ni Tryke.
Tumango-tango naman ako bilang pagsang-ayon then we both stepped outside the
house. "Oo Tryke... I'm inlove with you. I LOVE YOU TRYKE!!!!"
"I LOVE YOU TO MRS. ALTHEA GONZALES!!!"
Parang mga baliw na sigaw naming dalawa. Ginagawa naming biro ang lahat... ang
pag-ibig... ang kasal at lahat-lahat na.
Sinisigaw namin pareho na mahal namin ang isa't-isa pero walang may alam
kung sino ang nagsisinungaling at kung sino ang nagsasabi ng totoo...
------TRYKE's POV------
Valentines day na naman at masayang-masaya ang lahat maliban siguro sa
akin. This is my last year in high-school at naiisip ko ang valentines day noon
na napagsaluhan namin ni Kiersley bago siya grumaduate.
Grade 7 lang ako at nasa junior highschool pa lang noon habang nasa last
phase na ng senior years niya si Kiersley nang ligawan ko siya. Pero sadyang
maraming hadlang, at isa na doon ang anim na taon naming agwat.
"Kirs' ano bang pangarap mo paglaki?" Tanong ko sa kaniya isang araw.
"Malaki na ako Tryke... di na ako bata... ikaw lang naman iyang bata diya eh.
Pero basta pagkatapos ng high school gusto kong mag-aral abroad at maging
modelo." Seryoso niyang sagot sa akin.
Ganun pala, akala ko naman kasali ako sa mga pangarap niya yun pala ay
iiwan din niya ako. Sayang naman ang pagmamahalan namin kung di pa nga
nasisimulan ay mapuputol na.
"Eh ikaw Tryke, anong gusto mo paglaki?" Siya naman ngayon ang
nagtanong sa akin.
"Isa lang ang pangarap ko sa buhay Kiersley at yun ay... ikaw."
"Hmph! Ano ba, seryoso ako!"
"Bakit ba ayaw mong maniwala huh? Ikaw lang talaga ang gusto ko sa buhay
Kirs."
"Pero ga-graduate na ako sa Marso, magkakahiwalay na tayo..." Nalulungkot
niyang sabi sa akin.
"Di ba kita pwedeng dalawin sa bahay nyo?"
"Kaya mo ba akong sundan sa France? Doon na kasi ako mag-kokolehiyo eh."
Bumuntong hininga muna ako bago muling nagsalita. "Hindi ko kayang
gawin yun dahil nandito ang pamilya ko pero makapaghihintay naman ako
hanggang sa bumalik ka. Ngunit hiling ko lang na bago ka pumunta ng France
para tuparin ang pangarap mo, pwede bang tuparin mo muna ang pangarap
ko Kirs?"
"Pano Tryke?"
"Will you marry me now Kiersley Sandoval?" Lumuhod pa ako at naglabas ng
singsing na pinag-ipunan ko para lang maibigay sa kaniya sa espesyal na
araw na ito.
Tumawa si Kiersley sa proposal ko. "Eh pano kung ayaw ko?"
Tumayo ako at sinara na muna ang lalagyan nung singsing at sinilid yun ulit
sa aking bulsa. "Then tatawagin ko ang mga alalay ko. Guys! Come in!"
Bumukas ang pinto ng classroom at niluwa nun ang mga common friends
namin ni Kiersley. "Yung handcuff!" Utos ko sa kanila.
Lumapit si Dave na kaibigan ko pa nung mga panahong iyon at hinand-cuff
kami.
Tawa ng tawa si Kiersley sa di niya inasahang sorpresa na dumating sa
kaniya. Nilibot namin ang buong school ng naka-handcuff... nag-blind date ng
walang blind fold at nagpunta sa marriage booth kasi ang araw na iyon ay
valentines day celebration ng Blue East High-School.
"Will you marry me Kirs?"
"Oo Tryke I will marry you."
Ikinasal nga kami sa pekeng pari at nagpalagay ng mga kiss mark at
nagpakuha ng larawan.
Bagama't sinunog ko na ang nag-iisang kopya ko sa picture namin sa kasalkasalang
iyon ay may natitira pa ring kopya sa puso at isipan ko.
Sino bang mag-aakala... na makakasal ako sa iba.
Totoong honeymoon... totoong handcuff... totoong kasal... totoong mga halik
at yakap... totoo lahat maliban sa... LOVE.
Minsan parang gusto ko na lang matawa. Hindi ko akalaing ganito ako kung
biruin ng tadhana.
Naputol ang pag-iisip ko nang lumapit si Althea sa akin na may dalang
pagkain. "Kain na tayo? Pinaghanda kita ng masarap na tanghalian."
"Naamoy ko nga kanina ang niluluto mo habang naliligo ako."
"Hulaan mo..." ^_____^
"Yung favorite ko! Beef steak!" Masaya kong sagot sa kaniya.
"Tomoh!" ^______^
"Haaayyy... kahit papano ay may pinagpapasalamat din ako na naging asawa
kita at yun ay may nakakain na akong masarap." Saad ko sa kaniya para mas
ganahan pa siya na ipagluto ako araw-araw ng masasarap na pagkain.
"Hahahaha! Lagot ka isusumbong kita sa mama mo Tryke!"
"Okay lang, alam naman niyang hindi siya masarap magluto." Inakbayan ko
si Althea kasi dumadami na ang nagmamasid sa amin. "Let's go Misssyyy and
let's full my tummmyyy..." ^___~
Tawa pa rin kami ng tawa habang naglalakad.
Nagulat ako ng buksan ko ang lunch box at nakita ang laman. Kinorteng hugis
puso ang kanin topped with beef steak.
"Happy Valentines Day!" Bulalas ni Althea.
"Akala mo ikaw lang ang may surprise? Ako din kaya!" Saad ko sa kaniya.
"Asan na?" Agad niyang hinanap sa akin yung surprise ko.
Then I suddenly kissed her.
"Ba-bakit mo ko hinalikan?" Nasorpresang tanong ni Althea.
"Oh di bah, na-surprise ka?"
Nang makabawi ay binatukan niya ako. "Gago!"
Kung makatawa nga kami ay parang kami lang at wala nang iba pang tao sa canteen
------ALTHEA's POV------
Natutop ko ang aking bibig ng makita ko si Tryke na isinasayaw si Kiersley sa aming
graduation ball. Bakit pa kasi pwedeng outsider ang maging date sa graduation ball
eh kainis! Grrrr... >_<
Bakit ba siya ganyan!? Napaka-manhid niya talaga! Ako ang asawa niya kaya pano
niya nagagagawang makipag-sayaw sa iba? :((
Hindi ko inaasahan ng lapitan ako ng dating kaibigang si Nikki at tinanong. "What
are you doing here habang ang asawa mo ay nandun at nakikipag-sayaw sa iba!?"
Pilit kong itinago ang sakit na nararamdaman sa puso ko. "Nikki, I have trust on
Tryke."
"Trust? o baka naman hindi talaga totoo na mahal ka niya?"
Ayokong umiyak sa harapan ni Nikki kaya iniwan ko siya sa kinatatayuan niya at
pumunta ako sa isang tahimik na bahagi... doon sa garden sa likuran ng school para
magmuni-muni.
Di ko namalayang sumunod pala si Tryke sa akin. "Bakit ka nag-iisa dito? Hindi ka
ba natatakot na baka may multo dito?" Tanong ni Tryke sa malamig na boses.
Nagtitimpi lang ako pero gusto ko na talagang maiyak. "Mas natatakot ako sa
sasabihin ni Nikki."
"Nakita ko nga kayo kanina... ano na naman ba ang sinusulsol sayo ng kaibigan
mong iyon?"
"Hindi siya nagsusulsol Tryke dahil hindi naman ako bulag eh! Nakikita ko rin kung
pano mo tingnan si Kiersley!" Hindi sinasadyang napagtaasan ko siya ng boses.
"Kung ganun anong pinagpuputok ng butse mo Althea!?" (O_o)
Hindi ko na napigilang umiyak sa harapan niya kaya nataranta siya kung pano ako
mapapatahan. "Althea what's wrong? Y-you loved me?"
Iyak lang ang tugon ko sa asawa ko kaya hinawakan niya ako sa braso at pilit na
pinapaamin. "Tell me! Mahal mo ba ako kaya ka nagseselos ng ganyan!?"
"Oo! Mahal kita! Kaya ako nasasaktan ng ganito!" Sa wakas ay naisatinig ko na rin
ang nararamdaman ko.
"Shit! Sabi mo noon na hindi mo ako mahal! Kaya nga kita pinakasalan eh kasi
akala ko wala kang nararamdaman para sa akin!" This time ay siya naman ang
nagtaas ng boses sa akin at tila nagagalit pa siya na minahal ko siya.
"Sinabi ko lang yun kasi akala ko mamatay na ako. Di ba nga naikwento ko na sayo
na pinalabas ni Nikki at nung doktor na kakuntsaba niya na may brain cancer ako?"
Sandaling nangibabaw ang katahimikan sa pagitan naming dalawa bago siya
muling nagsalita. "I'm sorry Thea."
"Para saan ang sorry mo Tryke?" Kinagat ko ang ibabang labi ko para wala nang
kumawalang mga hikbi.
"Sorry pero hindi ko kayang tapatan ang pag-ibig mo Althea." Bakas sa mukha ni
Tryke ang pagkaawa sa akin. Nakakahiya talaga ang nangyari kaya nag-desisyon na
lang ako na umuwi na sa bahay.
Nagtatakbo ako sa ground ngunit hinabol pa rin ako ng asawa ko. "Althea! Althea
hintay!" Tawag niya sa akin.
Hindi ko inasahan ang naging aksiyon ng mga kaklase namin nang iniharang nila
ang kanilang mga sarili upang hindi ako makadaan. Hindi ko na maitago sa kanila
na umiiyak ako kasi kumalat na ang mascara ko sa aking pisngi. Oh my God! I just
hope i don't look awful!
"Paraanin nyo ko!" Sigaw ko sa kanilang lahat para lubayan na nila ako.
"No! You two should talk!" Sabi ng president ng aming classroom na close din sa
akin.
"This is not another lover's quarrel guys so please get out of my way!" Sobra na nga
akong napahiya kay Tryke kanina tapos eto at pinapahiya ko na naman ang sarili ko
sa mga kaklase namin. Ano na lang ang sasabihin nila kapag nalaman nilang
binasted ako ng sarili kong asawa? T__T
Pero ayaw pa rin nila akong paraanin kahit anong pakiusap ko kaya ayun naabutan
ako ni Tryke. Lahat ng sisi ay nabaling sa kaniya dahil iniisip nila na pinaiyak ako
nito. So he have to make another LIE para naman hindi magalit ang mga tao sa kanya.
"Ikaw naman kasi Tryke! Nakikipag-sayaw ka na sa iba eh hindi mo pa nga
naisasayaw ang asawa mo." Sabi ng isa sa mga kaklase namin.
"Come on guys! Magkaibigan lang kami ni Kiersley!" Pagtatanggol ni Tryke sa
kaniyang sarili.
"If I know! Gusto mo pa rin si Kiersley. Para namang hindi namin alam na may
nakaraan kayo ni Kiersley." Sabi ni Dave na bigla ding sumulpot sa aming harapan.
"Tama na nga! Lalo niyong pinapaiyak ang asawa ko eh!" He hugged me real tight
at muling kinausap ang aming mga kaklase. "She may not be my first dance... but
she'll be my last."
Tinanggap naman ng mga kaklase namin ang sinabi ni Tryke kaya hinayaan na nila
kami. Kasayaw ko na siya... I can't believe it! Lalo akong humagulgol ng malapat
ang noo ko sa kanyang dibdib.
"Shhhh... umayos ka nga diyan... baka mabugbog ako dito." Pasimple niyang
bulong sa akin.
Haaayyy.... Kasayaw ko na nga siya pero napilitan lang naman siya... Para lang din
nung pinakasalan niya ako pilit lang din.
Emote na emote na ako tapos bigla pang tumugtog ang kantang Knife. Lalo akong
pinahagulgol ng lyrics nito na straight to the heart ang tama sa akin. KNIFE.
Shet! Tinago ko na lang ang mukha ko sa pagitan ng suit ni Tryke. Talagang
sinubsob ko na ang mukha ko sa dibdib niya at bahala nang mapuno ng mascara
ang necktie niya, wala akong pakealam. Tutal kasalanan naman niya kung bakit
ako nasasaktan ngayon.
------TRYKE's POV------
Kahit kasayaw ko si Althea ay malayo ang tingin ko, andun kay Kiersley na umiinom
sa isang sulok.
I'm sorry Kirs' alam kong ayaw mo rin namang malaman ng ibang tao na
nagkagusto ka sa isang lalakeng mas bata sayo ng limang taon. Diyan ka lang Kirs'
hintayin mo lang ako... Darating din ang tamang panahon para sa ating dalawa. </3
Simula ng umamin si Althea sa akin ay marami nang nagbago sa pagitan naming
dalawa. Bakit pa kasi niya ako minahal eh... napaka-awkward tuloy na makasama
siya sa iisang bubong at yun din ang simula kung bakit sa sala na ako natutulog at
hindi na sa kwarto.
------TRYKE's POV-------
"Anak, I'm very sorry for your child..." Sabi ni mommy mula sa kabilang linya.
"Ma?" Gulat kong tanong.
"Sinabi na sa akin ni Althea ang totoo... nakunan siya noon kaya hindi na siya
nagpakita sa araw ng kasal nyo. Kaya kinailangan mo pa siyang sunduin at
kumbinsihing pakasalan kahit wala nang bata."
Parang gusto kong magtatalon sa ginawang kwento ni Althea kaya sinakyan
ko naman ang panibagong kasinungalingan na ginawa niya. "Oo nga po
mama, kailangan ko pang sabihin sa kanya na gusto ko siyang pakasalan
dahil mahal ko siya at hindi dahil sa batang dinadala niya para lang sumama
siya sa akin papuntang simbahan."
"Hinahangaan talaga kita anak... magiging isang mahusay na ama at asawa
ka." Puri sa akin ng aking ina.
------ALTHEA's POV------
Habang nakikinig ako mula sa party-line ay parang gusto kong masuka. Kung
alam lang ng biyenan ko ang sitwasyon namin ngayon. Kung hindi ko lang
talaga mahal si Tryke ay hindi ko talaga siya pagtatakpan.
"Althea I love you!!! Ang galing mong gumawa ng kwento!" Niyakap pa niya
ako at tumalon-talon sa sobrang tuwa.
I stared at him blankly.
Ewan ko ba, simula ng makasal ako sayo parang ang dali na lang gumawa ng
kwento. Hindi na rin ako nakokonsensiya sa tuwing nagsisinungaling ako
dahil para sa akin ay kayang-kaya ko nang gawing totoo ang lahat ng
kasinungalingan.
3 months na ang lumipas...
Nagkaroon ng family get together ang pamilya nina Tryke at pamilya ko sa
Boracay. Di ko tuloy maiwasan na maalala ang nangyari sa amin ni Tryke sa
lugar na iyon. Bakit naman kasi sa BORA pa nag-reunion ang pamilya namin
eh! Di ba nila alam na marami kaming mga alaala sa lugar na ito na... haaayyy
naku! Ewan ko na lang! (facepalm)
Nang mag-check in na kami ay nagulat talaga ako. "Whaaaatttt???" Sa
parehong room kami matutulog? Ang lokong Tryke naman ay pinili pa yung
kuwarto niya noon kung saan ako na deverginize ng wala sa oras! tsk! >_<
NO! NO! NO! THIS CAN'T BE! Pagkapasok sa kwarto ay ngumisi pa ang gago
at tinanong ako. "Remember this room?"
"How could I even forget Tryke!" Inirapan ko siya pagkatapos sabihin yun.
"Pero wala tayong maalala kung pano natin ginawa yun noon dahil sa mga
pinainom sa atin ng mga traydor nating kaibigan na si Dave at Nikki na sa
sobrang genius ay kung ano-ano ang mga hinalo sa alak natin. This time
Althea I'll make sure that I won't drink even a water para naman maalala ko
every detail. HAHAHAHAHHA!!!"
"Nananadya ka ba talaga Tryke!?" Binigyan ko siya ng naiinis na tingin.
"Bakit Missy... natatakot ka ba sa akin?" Lumapit siya at sini-seduce muli ako
kaya nagtatakbo ako palabas ng kwarto. Kahit nasa labas na ako ay naririnig
ko pa rin ang tawa niya mula sa loob. Ang loko! Pinag-tripan na naman ako!
Grrrrr!!! >__<
Pumunta ako sa restaurant kung saan naghihintay na ang mga pamilya
namin upang sabay na maghapunan. Ilang sandali pa ay nakahabol na si
Tryke sa dinner wearing his cool blue v-necked shirt na pinaresan pa niya ng
short pants na puti.
Ang gwapo niya talaga homaaayyy GOD! (^___^) Naputol ang pagnanasa ko
este! paghanga sa asawa ko nang biglang dumating ang kapatid ko dala ang
kanyang bagong silang na sanggol.
"Kelan kayo magkakaroon ng ganito?"Tanong ng kapatid kong babae na si
ate Cathy. Akala ko ako lang ang kinakausap pero namalayan ko na lang na
nasa tabi ko na ang asawa ko at nakaakbay na sa akin.
Haaayyy ba't ba ang kulit ng taong ito sa akin ngayong araw na ito?
Hmmmm... may nangyari kaya sa kanila ni Kiersley? Nag-away kaya sila kaya
ako napapansin ng taong ito? Kasi ganun naman talaga si Tryke eh, sweet
lang sa akin kapag wala si Kiersley. :((
"Ate, we are not in a hurry, almost 1 year pa lang kaming kasal ni Tryke at
kaka-graduate pa lang namin ng high-school kaya gusto muna naming
tapusin ang pag-aaral namin."
"Althea, you are already married now. Kung talagang gusto mong magtapos
ng pag-aaral dapat ay inisip mo muna yan bago ka tumihaya kay Tryke."
"Alam ko ate na nagkamali na kaming minsan kaya nga pinagpapasalamat na
rin namin na nakunan ako sa first baby namin upang maitama pa ang mali
namin. Isa pa, ayaw naming umasa na lang kina mama at papa para lang
mabuhay. Kailangan din naming magtapos."
"Masaya naman ako sa naging hangarin mo Althea, kaya sige hindi na kita
pipiliting tumulad sa akin."
Upang matigil ang pagtatalo namin ni ate Cathy ay kinuha ko ang baby niya
na si TJ at ako naman ang kumarga sa pamangkin ko. "Pwede namang
hiramin na lang muna namin itong si baby TJ paminsan-minsan eh... para
atleast kung makulitan kami sa kanya ay madali lang maisauli." :D
"Bagay sayo ah, parang gusto ko na tuloy magkaroon ng sarili natin." Biglang
sabi ni Tryke na ikinagulat naming lahat.
"Oisss oissss!!!! Magtapos daw muna kayo sabi ni Althea!" Pagpapaalala ni
ate Cathy kay Tryke.
Parang bumuka-buka ang atay ko sa narinig pero hindi ko pinahalata sa
kanila at lalong-lalo na sa kanya.
Room 402
Pagdating sa loob ng kwarto ay hinarap ko ang asawa ko at pinamewangan.
"Hoy Mister Tryke Gonzales! Anong pumasok sa kukote mo at ganun ang mga
pinagsasabi mo kanina sa ate ko ha?"
"Alin dun?" Pagmamaang-maangan niya.
"Asus, nagmamaang-maangan ka pa? Yung tungkol sa pagkakaroon ng baby!"
"Yun bah? Well I'm serious about that!"
Napabuga ako ng hangin sa narinig. "Huh! Is this another one of your lies?"
"You see Althea... were married for almost one year and we know very well
that our marriage is on a critical stage. I-I just wanted to save this marriage."
He said in a low voice.
"You wanna save this marriage by having a child!? tsk! Ni hindi mo nga ako
mahagkan!" Di ko napigilang ibulalas.
"Who says I can't?" Parang na-challenge na sigaw nito.
Mabilis ang naging pagkilos ni Tryke nang halikan niya ako. Biglang nagningas
ang mga dating pagnanasa ko sa kaniya dahil lamang sa isang halik na iyon.
Hindi na ako makapag-isip... Masyado nang pinapamanhid ng mga sensasyon
na pinapadama niya sa akin ang utak ko. He's loving really... really... makes
me weak.
Oh God I know that this is so wrong pero wala akong magawa kundi ang
magpatiunod lamang hanggang sa makita ko ang sariling inaangkin muli ng
estranged husband ko.
He took again everything that I have that night... as in everything... my body...
my soul... my heart
------ALTHEA's POV-----
Matapos ang nangyari sa amin ni Tryke ay hindi ko na ulit siya nakita kahit sa sarili
naming bahay. Hinahanap na rin siya sa akin ng kanyang mga magulang. Kaya
naman nang lumipas na ang isang linggo ay wala na akong choice kundi ang
puntahan siya sa bar na pag-aari niya, ang THE BAR.
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob. Hindi ko alam kung ano ang
madadatnan kong eksena pero wala akong pakealam.
Nahigit ko ang aking hininga ng makita ko ang aking asawa na nasa gitna ng dance
floor at sinasayawan ng dirty dancing ni Kiersley.
Nang mahagip ako ng paningin ni Tryke ay mabilis siyang umatras palayo kay
Kiersley.
Hinatak niya ako papunta sa isang tahimik na bahagi ng bar kaya umalma ako.
"Why are you dragging me here? Natatakot ka na mag-eskandalo ako?"
"Walang ibig sabihin yung nakita mo Althea."
"Tinatanong ko ba? Bakit ba napaka-deffensive mo?"
"I'm telling you it was just a dance!"
"Sayaw na gustong gusto mo naman!" Alam kong ramdam niya ang hinanakit sa
boses ko.
Biglang sumunod sa amin si Kiersley at umiiyak. "Althea, ako na ang humihingi ng
pasensiya. You know I'm not that mean. Alam ko namang asawa ka na ni Tryke pero
hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko kanina."
"Kanina? Kanina lang ba!? I know that your'e having an affair with my husband!"
Pumagitna na sa amin si Tryke bago ko pa masabunutan ang kabit niya.
Pinilit kong maging kalmado sa kabila ng pag-amin ni Kiersley. "You are such a
beauty Kiersley, maganda ka at successful. Wag mo sanang sayangin ang buhay mo
at pumatol sa isang may asawa na."
"I know Althea, hindi ako mang-aagaw... maghihinatay lang ako hanggang maging
malaya ka Tryke." Hindi niya inaalis ang tingin sa asawa ko.
Doon na ako nag-alboroto sa sinabi niya. "Ano!? Maghihintay ka na maging malaya
siya? You know what that actually means?"
"Althea calm down!" Panay ang awat sa akin ng asawa ko.
"Calm down? Eh tila gusto na akong mamatay ng babaeng iyan eh para maging
malaya ka!"
Nagsalita muli ang bruha upang maipagtanggol ang sarili niya. "Sa maniwala ka at
sa hindi Althea hindi ganun ang ibig kong sabihin. May iba pa namang paraan eh."
"What, divorce? Mamamatay muna ako bago ko diborsyohin ang asawa ko!"
Bago ko pa malapitan si Kiersley upang sabunutan ay pinasan na ako ni Tryke sa
kanyang balikat. Pinagsusuntok ko ang likuran niya pero hindi pa rin niya ako
binaba hanggang sa makaabot kami sa kotse niya. Ang loko! Parang nagbubuhat
lang ng sako ng bigas!
Nag-aaway pa rin kami habang tinatahak ang daan patungo sa aming bahay. "Saan
mo ko dadalhin Tryke?"
"Sa bahay natin." Tipid niyang sagot.
"Bahay pa rin pala natin yun? Akala ko bahay ko na lang yun." Panay ang pahid ko
sa mga luhang ayaw tumigil sa pagpatak.
"Uuwi din naman ako eh, bakit kailangan mo pang pumunta sa bar?"
"Wag mong isipin na na-miss kita kaya kita pinuntahan sa bar mo. Nariringgi na kasi
ang tenga ko dahil sa kakatanong nina mommy at daddy kung nasan ka na.
Naubusan na ako ng alibi baka hindi magtagal ay masabi ko sa kanilang may kabit
ka."
"Hindi ko siya kabit!" Tumaas ang tono ni Tryke.
"Wala nga namang magnanakaw na umaamin" pabulong kong sabi.
Pumaibabaw ang katahimikan.
"Tryke, kung hindi ba tayo kasal iiwan mo ko para kay Kiersley?" Biglang basag ko
sa katahimikan.
Hindi siya sumagot kaya ako pa rin ang nagsalita. "What a stupid question!"
Mapakla akong tumawa. "Kasal nga naman tayo iniiwan mo na ako" pagpaparinig
ko sa kaniya.
"Sorry." Yun lang ang tugon niya sa akin.
"That's bullshit! Wala ka na bang ibang masabi bukod sa sorry? Nagsisi ka ba na
nakasal ka sa akin Tryke?" Kahit takot akong marinig ang isasagot niya ay naglakas
loob na rin ako.
"Althea, you know that you are the best thing that ever happened to me..."
Paliwanag ni Tryke.
"Yes or no lang ang sagot sa tanong ko! Bakit do mo pa ako madiretso Tryke!?"
"Wala rin namang magbabago kapag sinagot ko yan." Humigpit ang kapit niya sa
manibela.
"Meron... I can... give you a divorce."
Mabilis na nahinto ni Tryke ang kotse dahil sa sinabi ko at agad niya akong hinarap.
"Malabo yang mangyari."
"Malabo pero hindi imposible" mahina kong saad.
"Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang mo sa akin Althea?"
"Does it matter you?" Sinalubong ko ang mga tingin niya para makita ang
katotohanan sa mga mata niya.
"Siyempre naman, they are my family too."
Bumigat lalo ang puso ko. "Alam mo Tryke, you are making it harder for me to let
you go kapag ganyan ka... and it will be so hard for me to hate you after
everything."
"Can we still be friends Thea?"
Tango lang ang aking naging sagot at lalong lumakas ang pag-agos ng mga luha ko.
This is it, we are finally ending this lies.